Ilyong: Missing you Daddy

6:11 PM 0 Comments A+ a-




15 years na pala ,Daddy?
Parang kahapon lang
Ng isugod ka namin 
Sa GSC Emergency Hospital.

Sabi mo, you just need a dose
Of that "tanked" air and a puff
Of that giant smoke machine,
And you'll be okay.


So I brought you
An Archie Comics
Para may libangan ka
Habang "on vacation" ka.

But you are gone.
And I miss you , Di.
I terribly miss you , Daddy
In fact, I am wallowing in tears right now.

Pano ko malilimutan
ang iyong abot-tengang ngiti ,
lalo na pag "nakaka-piso" ka mula kay ate. 


kung paano ka pinaiyak 
ni Perine at ni Cedie, ang munting Prinsipe.
Kung paano mo laklakin 
ang cerelac at gatas na bonna
nina Pikoy at Maya.

Kung paano mo laitin
Sina Sharon Cuneta at Kris Aquino
Sabi mo, kaya nilang lamunin ang kahit sino!

Ang pagpatak ng ulan
Sa tuwing maliligo ka
"Di! wag ka maligo today, maglaba pa ako!"

Ang pagbili mo ng coke litro
Kahit yun na ang kahuli-hulihang pera ng bulsa mo
Dahil lang sa nagdala ng babaeng bisita si Palito. 
 "Hindi bakla ang anak ko!" (Dad, yung ngiti mo, o!)

Ang pagluha mo
Sa pag-uwi ni Biboy galing Baguer.
Di, dama ko ang lungkot mo ng mga panahong yun.
Ang muli mong pagluha  ng ako ay nadapa,
at muling nadapa.


Ang pagmamahal at pagkalinga mo
Kay Pikoy, kay maya at kay Putot!
Sa ilalim ng kama mo, silay naka- pulupot!

At Di, ang litanya mo 
sa tuwing nalalasing ka:
"For the last 25 years...."
 Kahit ika 26th year na!.


Di, kahit ilang taon pa

Siguro ang lumipas
Hinding-hindi ka lilimutin
Nitong anak mong matigas
ang ulo pero ang
pagmamahal sa 'yo ay wagas.




I miss you, Daddy Ko.







basically a no-nonsense gurl ( whue?)...happy and gay most of the time. i looove coffee. i love beds and pillows. i used to have fetish over Cotton Buds and I still dunno why! i'm fond of wearing pajamas...kahit tanghali!...


working on different events here & there powers me up!