Remembering Ernan
4:54 PM
Miss kita Er...
Grabe, parang kailan lang.
Isang taon ka na palang di namin nakakasama
Sa Biruan,
Sa Kainan,
Sa Lakwatsa at Inuman.
Kainis Er...
Andami mo pang pedeng gawin,
Andami mo pang pedeng pasayahin.
Pero choks lang Er...
Konsolasyon na naming lahat
Ang katotohanang
Di ka na nagdurusa
Sa iyong Karamdaman.
Salamat Er...
Sa halakhak at kwentuhan,
Sa masayang alaala,
Ng isang mabuting kaibigan.
For sure Er,
Mas happy jan
Sa iyong Kinaroroonan.
"Japan-japan!"
2 comments
huhuhuhu nyeta naiyak nanaman ako!!!
ReplyDeleteiyak nga ako habang sinisulat to...haizt!
ReplyDelete